Tulak na lola, arestado sa drug-bust
- BULGAR
- May 14, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 14, 2023
CAVITE—Isang 66-anyos na lolang drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Datu Esmael, Dasmarinas City sa lalawigang ito.
Ang suspek at nakilalang si Olympia Benito, residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 25 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments