Tulak na kagawad, huli sa buy-bust
- BULGAR

- Jan 15, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | January 15, 2021
SORSOGON—Isang drug pusher na kagawad ang naaresto sa buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Milagrosa, Castilla.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Kagawad Adonis Valino, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng illegal drugs ni Valino ay agad inaresto ng pulisya ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Valino na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments