Tulak na HVT, arestado
@Balitang Probinsiya | March 26, 2023
ZAMBALES—Isang drug pusher na HVT (High-Value Target) ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Calapacuan, Subic sa lalawigang ito.
Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Abdul Abdurasid, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na bayan,
Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 33 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments