top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Tulak na bumaril sa parak, wanted!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 29, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 29, 2020



ORIENTAL MINDORO—Isang notoryus na drug pusher ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad dahil sa pamamaril sa police intelligence officer kamakalawa sa bayan ng Roxas.


Ang suspek ay si Jonas Galicia, residente ng Mansalay sa naturang lalawigan, samantalang hindi na pinangalanan ang biktimang pulis na nagtamo ng tama ng bala sa ulo.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation at nang mahalata ni Galicia na pulis ang nagpanggap na buyer ay agad niya itong binaril sa ulo.


Nang duguang bumagsak ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek.


Kaagad namang dinala ng mga kasamahan niyang pulis ang biktima sa pagamutan at sa kasalukuyan ay ginagamot na ito sa ospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page