Tulak na bebot, tiklo sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | March 5, 2021
ALBAY—Arestado ang babaeng drug pusher sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Ponso, Polangui.
Kinilala ang suspek na si Mary Grace Tupal, 47-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation sa nasabing lugar at nang pagbentahan sila ng shabu ni Tupal ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 50 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments