Tulak arestado sa boga at droga
@Balitang Probinsiya | December 12, 2022
CATANDUANES—Isang drug pusher ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng baril at shabu kamakalawa sa Bgy. Cavinitan, Virac.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Simeon Talan, 33-anyos, nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng baril, mga bala, 12 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments