Tubig, kuryente at seguridad sa mga eskwelahan, iprayoridad sana
- BULGAR
- Jun 18
- 1 min read
by Info @Editorial | June 18, 2025

Sa kabila ng naglalakihang pondo para sa mga proyektong tila hindi naman ramdam, nananatiling kapos ang mga paaralan sa mga pangunahing pangangailangan. Paano makakapag-aral nang maayos ang mga kabataan kung walang tubig sa palikuran, patay-sindi ang kuryente, at may banta ng kaguluhan?
Habang panay ang press release ng mga opisyal, may mga guro at estudyante naman na araw-araw ay nakikipagbuno sa kakulangan. Hindi ito simpleng aberya — ito ay malinaw na kapabayaan.
Kung edukasyon ang “priority” bakit parang palaging huling naiisip ang mga paaralan?Oras na para hindi lang magtanong — kundi maningil.
Ang pag-aaral ay hindi lamang dapat umiikot sa mga libro at silid-aralan. Kailangan ng ligtas, komportable at maayos na kapaligiran.
Ang edukasyon ay hindi lamang responsibilidad ng mga guro — ito ay tungkulin ng buong pamahalaan at lipunan.
Comments