Tsismosa, may pakinabang sa panahon ng pandemya
- BULGAR

- Jul 22, 2020
- 2 min read
ni Twincle Esquierdo | July 22, 2020

Ayon kay director of the Police Regional Office in Central Visayas (PRO-7), Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro makatutulong daw diumano ang mga tsismora para sa COVID-19 contact tracing.
Umapela sa publiko si Ferro at ipinabatid na mas kailangan maging involve ang publiko sa contact tracing, upang ang komunidad ay makatulong sa paglaganap ng nasabing virus at ang paraan ng gobyerno ay ang COVID-19 T3 na Test, Trace at Treat.
“This health emergency crisis in not only the job or responsibility of the police, the military or the local government. This is a responsibility of every Sugboanon, Boholano, Ilonggo, Ilocano, Bisaya and all Filipino citizens,” ani Ferro.
“I heard last night, what do we call this, the ‘tsismoso’ brigade. They could be a good source, sa Bulacan man yata. Sabi nila, mga tsismosa, we (can) ask you to help us sa atong (with our) contact tracing… instead na paglibak, naa silay maayong matabang (instead of backbiting they can do something good),” dagdag pa nito.
Ayon pa Ferro hindi ito ang unang pagkakataon na nagamit ang mga tsismosa para sa COVID-19.
Ayon din sa National Geographic report, sinabi rito kung papaano na-managed ng isang doktor ang kanyang maliit na komunidad dahil ito ay COVID-free ng contact tracing, quarantine at gossip at ayon naman sa ulat ni Dr. Anthony Cortez noong Hulyo 9, pinangunahan niya ang paglaban sa COVID-19 na 56,000 katao na patuloy na pinag-uusapan ang monitoring at returning residents.
“Village chiefs asked people known to keep an eye on the neighbors, usually elderly women, to keep tabs on new arrivals to the village. The chief then reports the news to the doctor, who sends nurses to follow up,” ayon sa National Geographic.








Comments