top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tserman, patay sa ambush

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 17, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 17, 2023



MASBATE -- Isang barangay chairman ang namatay sa isinagawang pananambang at pamamaril ng mga armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Mabatobato, Mandaon sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Chairman Brian Vargas, 40, nakatira sa Bgy. Bat-ongan, Mandaon sa nasabing lalawigan.


Sa ulat, habang minamaneho ni Vargas ang kanyang kotse at kasama ang isang nagngangalang Dona Amican, nasa hustong gulang, ay dinikitan sila ng mga hindi kilalang suspek na lulan ng isang van at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Hindi naman tinamaan ng bala ang babaeng kasama ni Vargas, at sa ngayon ay inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page