top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Tserman niratrat, utas

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 26, 2023


CAGAYAN — Isang barangay chairman ang namatay sa pang-a-ambush na ginawa ng mga hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. Sto. Domingo, Piat sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktima na si Chairman Richard Baraquit, na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Baraquit ang kanyang SUV kasama ang kanyang misis nang bigla itong pagbabarilin. Hindi naman tinamaan ang asawa ng biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima saka nagsitakas ang mga salarin.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page