Truck driver, kritikal sa aksidente
@Balitang Probinsiya | October 13, 2023
AKLAN -- Isang driver ang nasa kritikal na kalagayan nang bumangga ang minamaneho nitong trak sa pader ng isang eskwelahan kamakalawa sa Bgy. Lalab, Batan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jose Militante, 46, tubong Iloilo City.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Militante sa pagmamaneho ng trak kaya bumangga ito sa pader ng hindi pinangalanang paaralan.
Nabatid na sa lakas ng impact ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at paa ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyang inoobserbahan pa ito.



Comments