top of page

Truck driver, huli sa drug-bust

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 24, 2024
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Ika-24 ng Pebrero, 2024


ILOILO -- Isang truck driver ang naaresto sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Punong, Passi City sa lalawigang ito.

 

Nakilala ang suspek na si Adan Palomaria, nasa hustong gulang at residente ng bayan ng San Roque sa naturang lalawigan.

 

Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation nang pagbentahan niya ng umano’y shabu ang mga operatibang nagpanggap na buyer.

 

Napag-alaman na nakakumpiska ang pulisya ng 130 gramo ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.

 

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Коментарі


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page