top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tripulante natagpuang patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 14, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | March 14, 2023



CEBU—Isang tripulante ang natagpuang patay habang nakalutang kamakalawa sa dagat na sakop ng Bgy. Ibo, Lapu-Lapu City sa lalawigang ito.


Ang biktima ay nakilalang si Joseph Villamor, nasa hustong gulang, tripulante ng isang tugboat.


Nabatid na ilang mangingisda ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang bangkay ng biktima na nakalutang sa dagat.


Ayon sa ulat, huling nakitang buhay si Villamor nang tumalon sa dagat matapos lumubog ang sinasakyan nitong tugboat.

Nabatid na rumesponde ang rescue team ng Philippine Coast Guard (PCG) pero hindi natagpuan si Villamor, at kamakalawa ay mga mangingisda na ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa naturang karagatan.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page