top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tripulante natagpuang patay

  • BULGAR
  • Nov 3, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 3, 2022


ZAMBALES—Isang tripulante ang natagpuang patay kamakalawa habang nakalutang sa baybayin-dagat ng Bgy. Bangan, Botolan.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Arland Baculando, tubong Bulacan at tripulante ng barko.

Nabatid na mga residente sa nasabing barangay ang nakatagpo sa bangkay ng biktima.


Sa pagsisiyasat ng pulisya ay napag-alamang si Baculando ay kabilang sa anim na tripulanteng nahulog sa dagat nang sumadsad ang kinalululanan nilang barko sa dalampasigan ng nasabing lugar.


Napag-alamang agad na-rescue ng mga awtoridad ang limang kasamahang tripulante ng biktima, pero si Baculando ay hindi agad natagpuan, hanggang matagpuan ng mga residente ang nakalutang na bangkay nito sa baybaying-dagat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page