top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Trike driver patay sa bus

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 1, 2023


CAMARINES SUR – Isang driver ang namatay nang aksidenteng mabangga ng isang pampasaherong bus ang pinapasada niyang tricycle kamakalawa sa Bgy. San Francisco, Baao sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mark Samonte, nasa hustong gulang at residente ng nasabing bayan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng bus na minamaneho ni Darwin Pontejon, nasa hustong gulang kaya nabangga nito ang kasalubong na tricycle na minamaneho ni Samonte.


Nabatid na dahil sa lakas ng pagkakabangga ng trak ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad namatay sa pinangyarihan ng insidente.


Kusang sumuko naman sa pulisya si Pontejon na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page