Trike driver na pusher, tiklo
- BULGAR
- Sep 19, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 19, 2023
ILOILO -- Isang tricycle driver ang nadakip sa buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Gogo, Estancia sa lalawigang ito.
Ang inarestong suspek ay kinilala ng pulisya na si Jayar dela Cruz, 38, residente ng Bgy. Daculan, Estancia sa nasabing lalawigan.
Nabatid na nadakip ang suspek nang pagbentahan nito ng umano’y shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng droga.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 30 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments