top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tricycle nabangga ng SUV, 1 patay

  • BULGAR
  • Oct 20, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | October 20, 2022


CAMARINES NORTE—Isang driver ang namatay nang aksidenteng mabangga ng Sports Utility Vehicle ang pinapasada nitong tricycle kamakalawa sa Bgy. Del Rosario, Mercedes.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Armando Abad, nasa hustong gulang at nakatira sa Bgy. San Roque sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang driver ng SUV sa pagmamaneho kaya aksidenteng nabangga nito ang minamanehong tricycle ng biktima.


Nabatid na dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Kusa namang sumuko sa pulisya ang hindi pinangalanang driver ng SUV na nakahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page