top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tricycle driver todas sa trak

  • BULGAR
  • Nov 12, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 12, 2022


SORSOGON—Isang driver ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak ang pinapasada niyang tricycle kamakalawa sa Bgy. Mayon, Castilla.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jovic Marvida, 23-anyos, residente ng naturang bayan.

Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng trak si Joseph Ariate, 27-anyos, kaya nabangga nito ang tricycle na minamaneho ng biktima.


Nabatid na dahil sa lakas ng pagkakabangga ng trak ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad namatay sa pinangyarihan ng aksidente.


Kusa namang sumuko sa pulisya si Ariate na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page