top of page
Search
  • BULGAR

Tricycle driver, tiklo sa shabu

@Balitang Probinsiya | October 28, 2020



LAGUNA—Isang tricycle driver ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Calios, Santa Cruz.


Ang suspek ay nakilalang si Arnold Cabigan, nakatira sa nabanggit na bayan.


Napag-alamang sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ay sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Cabigan at dito nakumpiska ang 11 sachets ng shabu.


Hindi naman nanlaban si Cabigan nang dakpin siya ng mga awtoridad sa loob ng kanyang bahay.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page