top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tricycle driver, tiklo sa buy-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 18, 2023


CAPIZ -- Isang tricycle driver na drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Tanque, Roxas City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Gerardo Arcangekes, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.


Nabatid na may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng umano’y shabu si Arcangeles kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa naturang barangay na naging dahilan upang madakip ang suspek.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 25 gramo ng hinihinalang shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page