Tricycle driver, tiklo sa 2 boga
@Balitang Probinsiya | June 11, 2023
Capiz -- Isang tricycle driver ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng dalawang baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Lanot, Roxas City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ronnie Cervales, 59, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang pulisya na may mga baril ang suspek kaya sinalakay ng mga awtoridad ang bahay nito sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang dalawang kalibre .38 revolver at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad nang dakpin siya sa loob ng kanyang bahay.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong 2-counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments