top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tricycle driver, tepok sa trak

BULGAR
Dec 18, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 18, 2022


QUEZON—Patay isang driver nang aksidenteng mabangga ng trak ang pinapasada niyang tricycle kamakalawa sa Bgy. Pinagbayanan, Pagbilao.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Roel Bonson, nasa hustong gulang at residente ng nasabing bayan.


Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ni Luel Marcellana, nasa hustong gulang kaya nabangga nito ang kasalubong na tricycle na minamaneho ni Bonson.


Nabatid na dahil sa lakas ng pagkakabangga ng trak ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad namatay sa pinangyarihan ng aksidente.


Kusa namang sumuko sa pulisya si Marcella na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page