top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tricycle driver, tepok sa riding-in-tandem

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 31, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 31, 2021



NUEVA ECIJA--Isang tricycle driver ang namatay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Nagmisahan, Cuyapo.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Eddie Hilario, 58-anyos, nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na namamasada umano si Hilarrio nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page