Tricycle driver, tepok sa ambush
@Balitang Probinsiya | December 23, 2021
NUEVA ECIJA—Patay ang tricycle driver sa isinagawang ambush ng hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. San Juan Accfa, Cabanatuan City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Rex Morales, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Morales ang kanyang tricycle nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi si Morales sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang salarin.



Comments