top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Tricycle driver, sugatan sa kotse

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 2, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 2, 2023

AKLAN -- Isang tricycle driver ang nasa kritikal na kalagayan nang aksidenteng mabangga ng isang kotse kamakalawa sa Brgy. Andagao, Kalibo sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Medel Valenzuela, nasa hustong gulang at nakatira sa bayan ng Kalibo sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng kotse si Thaddeus Isberto kaya nabangga nito ang pinapasadang tricycle ni Valenzuela.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital at kasalukuyan pang inoobserbahan, samantalang kusa namang sumuko sa pulisya si Isberto at nangakong sasagutin ang gastos sa ospital at danyos sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page