Tricycle driver, patay sa hit and run
@Balitang Probinsiya | October 24, 2022
QUEZON—Patay ang tricycle driver nang ma-hit and run ng hindi pa mabatid na uri ng sasakyan kamakalawa sa Bgy. Sampaloc 2, Sariaya.
Kinilala ang mga biktima na si Jimmy Lopez, 50-anyos, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima at katabi nito ang kanyang nawasak na tricycle.
Sa imbestigasyon ng pulisya ay napag-alamang biktima ng hit and run ang biktima ng isang sasakyan na nakabangga dito.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang driver ng sasakyang nakabangga sa biktima upang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at obstruction of justice.



Comments