top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tricycle driver, patay sa bus

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 19, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 19, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang tricycle driver ang namatay nang mabangga ng isang pampasaherong bus kamakalawa sa national highway ng Bgy. Cabacungan, La Castellana sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Anthony Paulan, 42, residente ng nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang driver ng bus sa pagmamaneho kaya nabangga nito ang tricycle na minamaneho ng biktima.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.


Nakapiit na ngayon ang hindi pinangalanang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page