top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Tricycle driver niratrat, nadedbol

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 20, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 20, 2023

BASILAN -- Isang tricycle driver ang namatay nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki kamakalawa sa Brgy. Maloon San Jose, Isabela City sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Angelito Seblero, nasa hustong gulang at residente sa naturang lungsod.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Seblero ang kanyang tricycle ay biglang sumulpot ang mga hindi kilalang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Seblero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page