Tricycle driver, nilikida ng tandem
@Balitang Probinsiya | May 3, 2023
QUEZON—Isang tricycle driver ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Randy Arguiseno, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Arguiseno ang kanyang tricycle ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang salarin na nakasakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Arguiseno.



Comments