top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tricycle driver, nilikida ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 11, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 11, 2020



NORTH COTABATO—Isang tricycle driver ang namatay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Pikit.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Homidi Omar, residente ng Brgy. Lagunde sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang namamasada si Omar ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos ang pamamaril at tumakas ang mga suspek ay agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page