top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Tricycle driver nilikida

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 7, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | March 7, 2023



CAMARINES SUR—Isang tricycle driver ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. La Opinion, Nabua sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ronnie Ibo, 47-anyos, at nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, habang nakatayo si Ibo ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Ibo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page