top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Tricycle driver, natagpuang patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 30, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 30, 2021


AKLAN—Isang tricycle driver ang natagpuang patay kamakalawa sa waiting shed ng Bgy. Camanci Norte, Numancia.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Wilfredo Tamayo, 39-anyos, residente ng Bgy. Mangan, Banga sa nasabing lalawigan.


Nabatid na ilang residente sa nasabing lugar ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may mga saksak sa katawan sa waiting shed.


Huli umanong nakitang buhay si Tamayo na may inihatid na pasahero sa naturang barangay.


Napag-alamang nawawala rin ang tricycle na pinapasada ng biktima na hinihinalang tinangay ng salarin.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page