Tricycle driver na pusher, arestado
@Balitang Probinsiya | December 03, 2021
NORTH COTABATO—Isang tricycle driver na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Mirasol, Alamada.
Ang suspek ay nakilalang si Arvin Cane, 31-anyos at residente ng Bgy. Kitacubong sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, naaresto ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.



Comments