Tricycle driver, huli sa drugs
- BULGAR
- Apr 13, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | April 13, 2023
PALAWAN—Isang tricycle driver ang naaresto sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. San Miguel, Puerto Princesa City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Herbert Mortel, 47, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ni Montel ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments