top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Tricycle driver, dinedbol

Writer: BULGAR
BULGAR
May 20, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 20, 2023


RIZAL—Isang tricycle driver ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang salarin, kamakalawa sa Bgy. Dolores, Taytay sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Percival Leonardo, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Leonardo ang kanyang tricycle ay sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Leonardo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page