Tricycle driver, dedo sa motorsiklo
@Balitang Probinsiya | June 14, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang tricycle driver ang namatay nang mabangga ng isang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Bagonawa, San Enrique sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ernesto Espinosa, 57, residente ng nasabing barangay.
Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Archie Guanzon kaya aksidente nitong nabangga ang tricycle na pinapasada ng biktima.
Nabatid na nagkaroon ng malaking sugat sa ulo at katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Napag-alaman na sumuko sa pulisya si Guanzon na nagkaroon ng minor injury.



Comments