top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tricycle bumangga sa puno, 1 todas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 29, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | December 29, 2020



CAPIZ—Isang lalaki ang namatay at sugatan naman ang pinsan nitong driver nang aksidenteng bumangga sa puno ang kinalululanan nilang tricycle kamakalawa sa Bgy. Sibaguan, Roxas City.


Kinilala ang nasawi na si Albert Arinez, 23-anyos, samantalang ang sugatan ay ang driver ng tricycle na si Michael Arinez, 25-anyos, kapwa nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Michael kaya bumangga ang sinasakyan nilang tricycle sa puno.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga sa puno ay nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala pa ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Albert.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page