Tricycle bumaligtad, lolo nadale
- BULGAR
- Sep 10, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 10, 2023
AKLAN -- Isang 66-anyos na lolo ang sugatan nang bumaligtad ang minamaneho niyang tricycle kamakalawa sa Bgy. Bulwang, Numancia sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Roseler Galino, nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Galino kaya bumaligtad ang minamaneho niyang tricycle.
Napag-alaman na nagtamo ang biktima ng malaking pinsala sa ulo at katawan sa naganap na aksidente.
Nabatid na dinala ng mga residente ang biktima sa ospital at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa.



Comments