Treasurer’s office, nilooban
@Balitang Probinsiya | January 06, 2022
CAPIZ—Nilooban ng hindi nakilalang magnanakaw ang treasurer’s office ng municipal hall ng Ivisan.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang panloloob sa treasurer’s office ay posible umanong naganap nitong nakalipas na pagdiriwang ng Bagong Taon.
Nabatid na kamakalawa lang natuklasan ng mga empleyado ang pagnanakaw dahil nawawala umano ang P45, 000 cash sa drawer ng naturang opisina.
Ayon sa pulisya, sinira ng magnanakaw ang bintana ng naturang tanggapan.
Samantala, patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para makilala ang suspek.



Comments