Trak nahulog sa bangin, 2 sugatan

@Balitang Probinsiya | October 27, 2020
NORTH COTABATO—Dalawang katao ang sugatan nang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang trak kamakalawa sa Bgy. San Mateo, Aleosan.
Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang mga nasugatang driver at pahinante ng trak hangga’t hindi naipapabatid sa kanilang pamilya ang aksidenteng kinasangkutan ng dalawang biktima.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver habang kasama ang kanyang pahinante kaya nahulog ang kinalululanan nilang trak sa nasabing barangay.
Kaagad sumaklolo ang mga residente at dinala sa pagamutan ang dalawang biktima.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang mga kasong posibleng isampa sa driver ng trak.



Comments