Trak nahulog sa bangin, 15 katao sugatan
@Balitang Probinsiya | November 27, 2021
KALINGA—Labinglimang katao ang sugatan nang aksidenteng mahulog sa bangin ang kinalululanan nilang trak kamakalawa sa Bgy. Nambaran, Tabuk.
Sa mga biktima, tanging driver lang ang nakilala ng pulisya sa pangalang Noriel Aragon, 35-anyos at residente ng bayan ng Rizal sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Aragon sa pagmamaneho kaya nahulog ang trak sa bangin na may 60 talampakan ang lalim.
Nabatid na nagtamo ng mga malalaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima dahil sa naganap na aksidente.
Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan pa silang inoobserbahan sa pagamutan.
.



Comments