top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Trak bumangga sa trak, 1 sugatan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 16, 2021



AKLAN—Isang driver ang sugatan nang aksidenteng bumangga sa likurang bahagi ng trak ang minamaneho rin nitong trak kamakalawa sa Bgy. Lalab, Batan.


Kinilala ang biktima na si Robito delos Santos, residente ng nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Delos Santos ang trak ay aksidente itong bumangga sa likurang bahagi ng nakaparadang trak sa naturang barangay.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nawasak ang unahang bahagi ng trak na minamaneho ni Delos Santos at nagtamo ng malaking sugat sa ulo ang biktima.


Ginagamot na ngayon sa ospital si Delos Santos, samantalang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung sino sa biktima at driver ng nakaparadang trak ang may pananagutan sa aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page