Traffic enforcer, naaksidente
@Balitang Probinsiya | February 23, 2022
CAPIZ--Isang traffic enforcer ang sugatan nang aksidenteng bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isa pang motorsiklo kamakalawa sa Rizal, Pontevedra.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jonel Abolucion, 57-anyos at nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Abolucion kaya bumangga ito sa sinusundang motorsiklo na minamaneho ni Laudence Aguilar, residente rin sa naturang bayan.
Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang biktima na ginagamot na ngayon sa ospital.
Iniimbestigahan na ng pulisya kung sino kina Abolucion at Aguilar ang may pananagutan sa aksidente.



Comments