Traffic enforcer na tulak nasakote
@Balitang Probinsiya | October 29, 2022
SOUTH COTABATO—Patay ang 3-taong gulang na batang lalaki nang malunod kamakalawa sa tubig-baha sa Bgy. Lamlahak, Lake Cebu.
Sa kahilingan ng pamilya ng bata ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktimang namatay sa tubig-baha.
Ayon sa ulat, nakaangkas ang biktima sa motorsiklong minamaneho ng kanyang ama nang bumuhos ang malakas na ulan at rumagasa ang tubig-baha, kaya natumba ang sasakyang kinalululanan ng mag-ama.
Nabatid na agad tinangay ng rumaragasang tubig-baha ang biktima.
Kaagad sumaklolo ang mga residente, pero patay na nang makita at maiahon sa tubig-baha ang batang biktima.



Comments