top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Totoy dedo sa kuryente

BULGAR
Oct 18, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 18, 2022


PANGASINAN—Isang 9-taong gulang na lalaki ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Asinan, Bugallon.


Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang menor-de-edad na biktima.


Ayon sa ulat, habang naglalakad pauwi ang biktima ay napahawak ito sa sa live wire ng kuryenteng nakalaylay sa poste, kaya nakuryente ang bata.


Napag-alamang sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang biktima.


Kaagad dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page