Top most wanted criminal, tiklo
@Balitang Probinsiya | June 17, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang top most wanted criminal ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. 2, Bacolod City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Antonio Uy, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Uy kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at nadakip dito ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments