Top 6 Most Wanted natimbog
@Balitang Probinsiya | Enero 30, 2023
LAGUNA — Isang lalaki na nakatala bilang Top 6 Most Wanted ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Dita, Sta. Rosa City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay itinago muna ng pulisya sa pangalang "Renato", nasa hustong gulang.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong 3-counts ng kasong rape sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pinagtataguan ni "Renato" kaya agad sinalakay ito ng ng pulisya at dito dinakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments