Top 5 most wanted, arestado
- BULGAR
- Mar 25, 2024
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 25, 2024
ILOILO -- Isang top 5 most wanted criminal ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Poblacion, Carles sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek na edad 41 habang iniimbestigahan ito ng mga otoridad.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape at qualified theft sa lalawigan.
Nabatid na nakita ng mga operatiba ang suspek sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments