Top 4 most wanted, arestado
- BULGAR
- Jan 23, 2024
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Enero 23, 2024
AKLAN -- Isang top 4 most wanted criminal ang nadakip ng mga otoridad kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Caticlan, Malay sa lalawigang ito.
Pansamantalang hindi pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa mga kinasasangkutan nitong kasong murder sa nasabing bayan.
Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad nila itong sinalakay at dito dinakip ang most wanted criminal.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga otoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments