top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Todo-tago sa pamilya na inaabuso ng amo sa abroad

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2022
1 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | August 3, 2022


Dear Sister Isabel,


Isa akong overseas Filipino worker at gusto ko nang tumakas sa employer ko dahil hindi ko na kaya ang kalupitan niya sa akin. Sinasaktan niya ko, kaya sinumbong ko siya sa agency ako sa Pilipinas, pero hanggang ngayon ay wala pang aksyon.


Hindi ko naman maipagtapat sa pamilya ko ang nangyayari dahil ayaw ko na labis silang mag-alala. Ano ang gagawin ko para masolusyunan ang problema kong ito?


Nagpapasalamat,

Rebecca ng Hong Kong



Sa iyo, Rebecca,


Sikapin mong kontakin ang isa sa pinagkakatiwalaan mong kaibigan at makiusap ka na tulungan ka sa iyong kalagayan. Makisuyo ka na mag-report siya sa Philippine Embassy sa Hong Kong upang sila mismo ang gumawa ng aksyon upang matulungan ka.


Gawin mo na ito bago pa mahuli ang lahat. Umaasa ako na sa lalong madaling panahon ay makakaalis ka na sa employer mo sa tulong ng mga tauhan ng Philippine Embassy d’yan sa Hong Kong.


Huwag kang mawalan ng pag-asa. Lakasan mo ang iyong loob at palaging manalangin na maligtas ka sa lahat ng uri ng panganib at kapahamakan.



Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page